Home NATIONWIDE Trump nag-ala-Kristo, inupakan sa social media

Trump nag-ala-Kristo, inupakan sa social media

104
0

WASHINGTON – Umani ng malawakang batikos si U.S. President Donald Trump matapos siyang mag-post ng isang AI-generated image sa Truth Social noong Linggo na nagpapakita sa kanya bilang isang Jesus-like figure, bago ito binura noong Lunes.

Lumabas ang naturang post sa gitna ng tumitinding sigalot ni Trump kay Pope Leo kaugnay ng U.S.-Israeli war against Iran. Bago i-post ang imahe, naglabas si Trump ng mahabang tirada laban sa Santo Papa at tinawag itong “WEAK on crime and terrible for Foreign Policy.”

Si Pope Leo, ang kauna-unahang U.S.-born pope, ay nagsabing hindi siya takot sa Trump administration at magpapatuloy siya sa pagsasalita. Sa kanyang talumpati sa Algiers noong Lunes, binatikos niya ang mga “neocolonial” world powers na lumalabag sa international law, bagama’t hindi niya tahasang pinangalanan ang United States.

Makikita sa AI-generated image si Trump na nakasuot ng puting roba, may hawak na glowing orb, at nakapatong ang isang kamay sa ulo ng isang lalaking tila may karamdaman. Makikita rin sa background ang Statue of Liberty, fireworks, isang fighter jet, at mga agila.

Maging ilang religious conservatives na karaniwang sumusuporta kay Trump ay bumatikos sa post, na posibleng magdulot ng lamat sa kanyang ugnayan sa religious right, isang mahalagang sektor sa kanyang panalo noong 2024 election. Wala pang agarang pahayag ang White House hinggil dito.

Sumulat sa X si Brilyn Hollyhand, co-chair ng Republican National Committee Youth Advisory Council: “This is gross blasphemy. Faith is not a prop. You don’t need to portray yourself as a savior when your record should speak for itself.”

Si Trump, na hindi regular na nagsisimba, ay nakakuha ng malakas na suporta mula sa Christian voters noong 2024 election, kabilang ang 56% laban sa 42% na bentahe sa Catholic voters, ayon sa pagsusuri ng political scientist at dating pastor na si Ryan Burge.

Nagpaalala rin ang insidente sa naunang kontrobersiya noong nakaraang taon nang mag-post si Trump ng imahe ng kanyang sarili bilang pope matapos ang pagpanaw ni Pope Francis, na ikinagalit ng maraming Katoliko.

Sa mga nakaraang linggo, naging isa si Pope Leo sa pinakamatinding kritiko ng digmaan sa Iran. Hinikayat niya si Trump na humanap ng isang “off-ramp” at sinabi ring hindi maaaring gamitin si Jesus upang bigyang-katwiran ang digmaan, mga pahayag na malawakang itinuring na patama sa mga opisyal ni Trump na gumagamit ng scripture upang ipagtanggol ang military action.

Samantala, sinabi ni Bishop Robert Barron, na nagsisilbi sa isang Trump-created religious liberty commission, sa X na dapat humingi ng paumanhin si Trump kay Leo dahil sa kanyang “inappropriate” na mga pahayag sa social media, bagama’t pinuri rin niya ang pangulo sa outreach nito sa Catholics. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here