Home NATIONWIDE Trump passport policy na tumatarget sa transgender people, hinarang ng korte

Trump passport policy na tumatarget sa transgender people, hinarang ng korte

MANILA, Philippines – Ipinatigil ng isang pederal na hukom sa Boston ang pagpapatupad ng patakaran ng administrasyong Trump na humahadlang sa transgender, nonbinary, at intersex na mga indibidwal na magkaroon ng pasaporte ayon sa kanilang gender identity.

Pinalawak ni Judge Julia Kobick ang dating utos at ginawang class action ang kaso, iginiit na labag sa Konstitusyon ang diskriminasyong nakabatay sa kasarian.

Ang patakarang ito ay mula sa kautusan ni Trump na kilalanin lamang ang dalawang biological sex—lalaki at babae.

Tinawag ito ng mga tagasuporta bilang tagumpay sa karapatang pantao, habang binatikos ito ng White House bilang panghihimasok ng hudikatura. RNT