Home NATIONWIDE Tsina ‘di maaaring magka-baseline sa Bajo De Masinloc – Sen. Tol

Tsina ‘di maaaring magka-baseline sa Bajo De Masinloc – Sen. Tol

168
0

PINANGUNAHAN ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang pamamahagi ng Certificate of Local Public Policymaking sa may 231 na mga bise alkalde sa buong bansa na nag-aral ng Leadership in Advancing Innovations Through Legislation sa UP Center for Local and Regional Governance (CLRG) para sa ika-anim na Cycle of the Academy of Presiding Officer (APO) nitong Huwebes ng hapon.

Kasama ni Sen. Tolentino sa pamamahagi ng sertipiko sina Vice Mayor Dean Anthony Domalanta ng Bayan ng San Mariano, Isabela na tumatayong National President ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) at Vice Mayor Bernard “Ninong” Dela Cruz ng Malabon City na siya namang Chairman ng VMLP.

Nagpahayag naman ng pagbati si Tolentino sa mga bise alkalde na nakapagtapos sa patuloy nilang pananaliksik ng kaalaman upang maging makabuluhan ang kanilang paglikha at pagpasa ng mga ordinansa at resolusyon sa lugar na kanilang pinagsisilbihan.

Samantala, sa panayam kay Tolentino, itinuturing umano nito na hindi paggalang sa International law ang ginawang pagpapasa ng batas ng China para sa pagkakaroon nila ng baseline sa Bajo De Masinloc.

Ayon sa Senador, hindi aniya pwedeng magka-baseline ang China sa Bajo De Masinloc dahil sa ilalim ng 2016 Arbitral Ruling, ikinonsidera ang lugar na isang “rock” at hindi isla kaya hindi ito puwedeng pamahayan ng tao.

Ito aniya ay kaugnay sa nangyaring muling panggigipit, pagbangga, at pambobomba ng tubig ng China Coast Guard sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na naglayag sa Bajo De Masinloc nito lamang Miyerkules ng umaga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here