Home NATIONWIDE Tsina kinondena ni Risa: Pagkasugat ng PN ‘di katanggap-tanggap

Tsina kinondena ni Risa: Pagkasugat ng PN ‘di katanggap-tanggap

MANILA, Philippines- Matinding kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang pinakamarahas na panggigipit ng Chinese Coast Guard sa sundalo ng Philippine Navy na naghahatid ng supplies sa BRP Sierra Madre sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Hontiveros na dapat kondenahin ang huling panggigipit ng China sa Ayungin Shoal, paulit-ulit at walang humpay.

“As a Filipino and as a Senator, I share the hurt and pain of the Philippine Navy over our wounded personnel,” ayon kay Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, matinding nilabag ng China hindi lamang ang international law kundi ang ating karapatang pantao.

“This is unacceptable. Violence should not be committed on our seas,” giit niya.

“We must push for the de-militarization of the West Philippine Sea. I call on Government to put politics and diplomacy back at the captain’s wheel with Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, fisherfolk, and civilian actions,” wika pa ni Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na dapat paigtingin ang lahat ng legal, politikal at diplomatikog potensyal upang mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon.

“Let us optimize every legal, political, and diplomatic potential to preserve security and peace in the region,” sabi ng senador. Ernie Reyes