JAPAN – Umabot sa Pacific coast ng Iwate Prefecture sa Japan ang nasa 20 sentimetrong taas ng tsunami kasunod ng magnitude 6.9 na lindol na tumama nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 9.
Ang lindol ay may lalim na 16 kiometro sa Iwate coast na tumama bandang 5:03 ng hapon dahilan para mag-isyu ng tsunami advisory ang Japan Meteorological Agency bandang 5:12 ng hapon.
Namataan ang mga tsunami na may 20 sentimetro ang taas sa lungsod ng Kuji at Ofunato.
Inalis naman ng ahensya ang advisory bandang 8:15 ng gabi. RNT/JGC