Home METRO Tsuper arestado sa sideline na P6.8M droga

Tsuper arestado sa sideline na P6.8M droga

CEBU CITY – Nasamsam ang nasa P6.8 milyon hinihinalang shabu mula sa isang public utility jeepney (PUJ) driver sa buy-bust operation dito nitong Lunes, Hulyo 1.

Arestado ang 47-anyos na suspek na si Baldo sa Sitio Sindulan, Barangay Mabolo.

Ayon sa pulisya, mahigit isang kilo ang bigat ng kontrabando.

Sinabi ni Police Major Romeo Caacoy Jr., hepe ng Mabolo police station, na kinukunsidera si Baldo bilang isang regional high-value target.

Sinabi ni Caacoy na bukod sa Cebu City, responsable din ang suspek sa pamamahagi ng ilegal na droga sa mga karatig lungsod at sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Cebu.

Ibinunyag umano ng suspek sa interogasyon ng pulisya na may contact ang naatasang maghatid ng iligal na droga sa kanyang bahay.

Natanggap ng suspek ang kanyang supply ng iligal na droga sa pamamagitan ng isang preso, sabi ng pulisya. RNT