Home ENTERTAINMENT Tuesday, nagpaliwanag, walang ‘beef’ kay Michael V!

Tuesday, nagpaliwanag, walang ‘beef’ kay Michael V!

276
0

Manila, Philippines – Lalong nakilala bilang magaling na komedyante at TV host si Tuesday Vargas nang maging bahagi siya ng isang popular podcast sa You Lol platform ng isang network.

Katunayan, naging klik ang tandem nila ni Buboy Villar.

Pero habang dumadami ang followers at nagiging word of mouth ang show ay nasurpresa naman ang followers sa pagkawala niya sa programa.

Sa isang panayam, nilinaw naman ni Tuesday na hindi siya nawala sa show kundi sinibak.

Anyway, ni-cite rin niya among other things na nagkaroon siya ng mental health issues.

Dagdag pa niya, wala rin daw siyang sama ng loob sa pumalit sa kanya bilang host na si Chariz Solomon na isa niyang kaibigan.

Sa nasabing panayam, sinabi rin niya na hindi totoo na nagkaroon sila ng away ni Michael V kaya nag-disappearing act din siya sa gag show nito noon.

Aniya, ang totoo raw ay nag-reformat ang show kaya nag-pave way ang programa sa mga baguhan.

Tungkol naman sa isyu ng diumano’y napabalitang pang-iisnab niya sa fans nang pumunta siya sa Hongkong Disneyland, iginiit niya na wala raw katotohanan ang tsika.

Hirit pa niya, dapat din daw isipin ng mga tao na sila mang celebrity ay mga tao ring may sensibilidad.

Tulad ng ordinaryong tao, entitled din daw sila sa pribadong espasyo o “me time” para sa kanilang mga sarili. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here