Home METRO Tulak-in tandem laglag sa P1.3M ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Tulak-in tandem laglag sa P1.3M ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal matapos mahulihan ng P1,339,600.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) nitong Hulyo 30.

Sa ulat ni PMAJ Marc Henry SJ Gonzales, hepe ng DRT police station, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mari”, 46, residente ng Graceville, SJDM at alyas “ Rey”, 46, driver ng Heritage Home, Marilao.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng istasyon bandang 7:30 ng gabi sa Brgy. Pulong Sampalok.

Nabatid na nakumpiska sa mga suspek ang nasa 197 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P1,339,600.00.

Narekober din sa operasyon ang buy-bust money, belt bag, Honda Giorno motorcycle na pinaniniwalang ginamit sa ilegal na transaksyon.

Dahil dito, isinagawa ang dokumentasyon at dinala ang mga suspek kasama ang mga ebidensya sa istasyon para sa pagsasampa ng kaukulang ng kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here