Home METRO Tulak ng ‘boga’ sugatan sa engkwentro sa Bulacan

Tulak ng ‘boga’ sugatan sa engkwentro sa Bulacan

266
0

Bulacan- Arestado ang sugatang 32-anyos na lalaking hinihinalang tulak matapos sumalto ang pamamaril sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Santa Maria.

Sa report ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria police station, kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Tikboy”, residente ng Brgy. Caysio.

Ayon sa report, ikinasa ang buy-bust operation sa armas bandang 3:20 ng hapon noong Agosto 21 sa Brgy. Caysio.

Nabatid na sa kasagsagan ng transaksyon ay bumunot ang suspek ng cal. 38 revolver at tatlong beses kinalabit ang gatilyo nito sa direksyon ng mga operatiba.

Sa kabutihang palad, hindi pumutok ang baril na aktong ginantihan ng pulis na tumama sa kanyang braso hanggang sa maaresto.

Agad dinala sa ospital ang suspek para sa paunang lunas habang narekober sa lugar ang kanyang cal. 38 revolver na may limang bala at folding knife.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition at iba pang kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here