BULACAN, Philippines – Arestado ang isang big-time tulak matapos mahulihan ng nasa P240,000.00 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Jen”, 26, residente ng Brgy. Loma De Gato.
Sa report ni PLTCOL Jordan Santiago, hepe ng Marilao police station, ikinasa ang operasyon nitong Hulyo 30 sa nasabing barangay.
Ayon sa report, nakumpiska sa suspek ang dalawang kilo ng marijuana na may halagang P240,000.00.
Samantala, huli naman ang 11 drug personalities habang nasamsaman ng nasa P193,528.00 halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon ng Bulacan PIU/PDEU, Baliwag, Bocaue, Santa Maria, San Rafael, Hagonoy at Balagtas police station noong Hulyo 29.
Kaugnay nito, kulong din ang isang alyas “Pungay” nang mabilhan ng cal .38 revolver sa entrapment operation ng pulisya sa lungsod ng Baliwag noong Hulyo 29.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kasong habang nakakulong sa yunit at istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)