Home NATIONWIDE Tulong medikal sa mga mahihirap, middle class pabibilisin ng Malakanyang at DOH

Tulong medikal sa mga mahihirap, middle class pabibilisin ng Malakanyang at DOH

66
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Executive Secretary Ralph G. Recto at Health Secretary Ted Herbosa kahapon ang diskusyon tungkol sa mas maayos na implementasyon ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients Program o MAIFIP.

Tinalakay sa pulong ang mga hakbang upang maiwasan ang mahahabang pila, paulit-ulit na requirements, at tambak na papeles sa paghingi ng medical assistance.

Sa pamamagitan ng mas malawak na paggamit ng digital platforms, mas mapapabilis ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang Pilipinong nangangailangan ng tulong medikal.

“Bilin ni Pangulong Bongbong Marcos na kung may tulong ang gobyerno, dapat makarating ito nang mabilis, maayos, at hindi pahirapan ang mga tao,” ani Recto.

“Ang access ang sukatan ng tunay na serbisyo. Dahil kung ang proseso mismo ang nagiging hadlang, kahit may pondo, hindi rin ito mararamdaman ng tao,” dagdag pa niya.

Ayon kay Recto, layunin ng administrasyong Marcos na gamitin ang teknolohiya upang gawing mas mabilis, mas transparent, at mas makatao ang paghahatid ng serbisyo publiko.

Dapat aniyang tiyakin ng DOH na ang MAIFIP ay napapakinabangan hindi lamang ng mahihirap, kundi pati ng mga pamilyang nasa middle class, upang maramdaman ng lahat ang benepisyo ng buwis na ina-ambag nila sa pamahalaan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here