MANILA, Philippines – Ipinahayag ni Pope Leo XIV ang kanyang matinding pagkabahala at pakikiramay sa lumalalang sitwasyon sa Gaza Strip sa kanyang kauna-unahang pangkalahatang audience na ginanap sa Saint Peter’s Square noong Miyerkules.
Ayon sa Santo Papa, ang mga pangyayari sa Gaza ay “nakababahala at napakasakit.”
“The situation in the Gaza Strip is increasingly worrying and painful,” pahayag ng American pontiff.
“I renew my appeal to allow the entry of dignified humanitarian aid and to put an end to the hostilities, whose heartbreaking price is paid by the children, elderly, and the sick.”
Muling iginiit ng Papa ang panawagan para sa pagpapapasok ng makataong tulong at ang agarang pagwawakas sa kaguluhan, na ayon sa kanya ay matinding pinapasan ng mga inosente—lalo na ng mga bata, matatanda, at mga maysakit. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)