MANILA, Philippines- Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na pinag-iisipan nitong tuluyang bawiin ang lisensya ng mga baril ng mga lumabag sa gun ban bago ang Halalan 2025.
Sa ngayon, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na maayos na ang operasyon ng mga checkpoint.
Inihayag ni Garcia na ginagalang ang mga karapatan at walang paglabag sa PNP, AFP, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at iba pang nagmamando sa mga checkpoint.
Ngunit ayon kay Garcia, mayroon pa ring mga indibidwal na pinipilit magdala ng baril sa kabila ng pagbabawal na nagsimula noong Enero 12 at mananatiling epektibo hanggang Hunyo 11.
Aniya, sadya lamang na may matitigas ang ulo na kahit alam na bawal ay nagdadala pa kaya aniya mas maganda na tanggalan na na sila ng lisensya o permit to carry bilang parusa sa kanila bukod pa sa pagpapahaba ng parusa laban sa mga lumalabag.
Noong Lunes, nakapagtala na ang Philippine National Police (PNP) ng 971 indibidwal na naaresto sa paglabag sa election gun ban. Jocelyn Tabangcura-Domenden