Home HOME BANNER STORY Tumpok ng raliyista sa Luneta, nasa 5,000 na – PNP

Tumpok ng raliyista sa Luneta, nasa 5,000 na – PNP

311
0
(c) Rey Nillama

MANILA, Philippines – Halos 5,000 katao na ang nagtipon-tipon sa Luneta Park para sa mass protest ngayong araw kontra korapsyon.

Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) Situation Update, umabot sa 3,300 ang crowd estimate, habang sa tantya naman ng Manila DRRMO ay nasa 4,900 na ang dumagsa para sa anti-corruption rally ngayong araw.

(c) Rey Nillama

Bagamat tirik ang araw, tuloy-tuloy ang pagdating ng mga rallyista na karamihan ay mga grupo ng kabataan.

Bitbit ang mga karatula at panawagang bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa matinding korapsyon at kapabayaan sa kaban ng bayan.

Sigaw pa ng mga rallyista: “Never Again, Never Forget,” na nangangahulugang ayaw nang maulit pa ng taumbayan ang nangyari noong panahon ni dating Pangulong Marcos Sr.

“Bahain ng protesta ang bulok na sistema,” “Mamatay sana ang mga kurap,” “Hindi iniidolo ang mga pulitiko, sila’y trabahador ng bayan” — ilan lamang ito sa mga katagang nakalagay sa mga placards at banners ng mga rallyista na nagtungo sa Luneta.

Inaasahan pang lalo pang dadami ang dadagsa sa mga protest area hanggang mamayang hapon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here