Home METRO Tunay na bagong P’que uusbong

Tunay na bagong P’que uusbong

MALAWAKANG pagbabago ang nagtulak sa First Lady ng Parañaque City upang sumabak sa larangan ng politika.

Sa nakalipas na halos tatlong taon umano ay nakita at naramdaman ni Aileen Claire Olivares (ACO) na mayroon pang pagkukulang sa serbisyong pwedeng isaayos.

Kaya nagpasya si ACO na naghain ng kanyang certificate of candidacy bilang mayor sa Comelec Parañaque bandang tanghali.

“Ang sinasabing Bagong Parañaque ay luma pa rin. puno pa rin ito ng mga problemang hindi naaaksiyunan, mula sa trapik, baha, kawalan ng maayos na serbisyong pangkalusugan, hanggang sa mga basurang hindi nakokolekta” , sabi ni Aileen Claire na nanungkulan sa City Hall bilang City Action Officer, at Hepe ng Cleanliness, Beautification and Sanitation Department.

“Alam ko po na ang mga ito’y sanhi ng isang gobyernong ang mga kasama sa pamamahala ay salat sa tunay na malasakit at pakialam sa kapwa,” pahayag ng mayor candidate.

Ayon kay ACO, nararapat lamang na mabigyan ng mas maayos at makataong serbisyo ang kanyang mga kababayan, at ito umano ang nagtulak sa kanya upang tumindig at harapin ang mga hamon na kinahaharap ng mga Parañaqueño. Dave Baluyot