Home NATIONWIDE Tupas: Cyber libel case vs Bello ‘di ‘political persecution’

Tupas: Cyber libel case vs Bello ‘di ‘political persecution’

MANILA,Philippnes- Hindi kaso ng political perecution ang cyber libel case na inihain laban sa aktibista at dating vice presidential candidate na si Walden Bello, ayon kay dating Davao City chief information officer at complainant Jefry Tupas nitong Huwebes.

Sa 12-pahinang komentong inihain sa Supreme Court, sinabi ni Tupas na malinaw umanong ang mga pahayag ni Bello laban sa kanya ay defamatory.

“This case, no matter how the petitioner may imagine it to be, is not a case of political persecution. Neither is it a case where there was any suppression of dissent or attempt to do so,” ani Tupas.

“If there ever is, or ever will be, a case that exemplifies the need to take a second look at the constitutionality of our laws on libel, this case is certainly not it,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang kampo ni Bello ukol dito.

Hinggil ito sa petisyong inihain ni Bello na inihihirit na ideklarang labag sa batas ang Articles 353 hanggang 355 ng Revised Penal Code at Article 4(c)(4) ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Hinikayat din ni Bello, nahaharap sa cyber libel case na inihain ni Tupas, sa korte na isawalang-bisa ang kanyang prosekusyon. Aniya, ang libel statutes ay naging “tools to suppress dissent.”

Subalit, sinabi ni Tupas na ang kaso ay rason upang hindi i-decriminalize ang cyber libel sa bansa.

“In this age of social media, the consequences of the abuse of free speech have been exponentially magnified. At the click of a button, a baseless derogatory statement is published for the world to see and, like a loosed arrow, the damage done upon its release cannot be easily undone,” giit ni Tupas.

Nag-ugat ang cyber libel case ni Bello sa kanyang pahayag na si Tupas ay “nabbed at a beach party where she and her friends were snorting P1.5 million worth of drugs” nang hilingin niya kay noo’y Mayor Sara Duterte na ipaliwanag ang umano’y “blots” sa kanyang rekord sa  Davao City.

Giit Tupas, umaming dumalo sa party, umalis na umano siya matapos kumain, bago nasabat sa Philippine Drug Enforcement Agency operation ang P1.5 milyong halaga ng droga.

Tumakbo si Bello sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa. Nagsilbi rin siyang Akbayan party-list representative mula 2009 hanggang 2015. RNT/SA