MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaking turista mula Laguna matapos malunod sa Boracay.
Ayon kay Malay Municipal Police Station investigator Lt. Romeo Sabrine, naligo sa dagat ang biktima at ang kasamahan nito na taga-Laguna rin, mas malayo sa kung saan karaniwang naliligo ang mga turista.
Ani Sabrine, na namataan ng paddle boarders ang biktima na nalulunod at agad nagsagawa ng initial rescue operation na kalaunan ay sinamahan ng mga lifeguard.
“He was one of the two who drowned. The other survived,” sinabi ni Sabrine. RNT/JGC