Home NATIONWIDE Turista tigok sa water balloon activity sa Lapu-Lapu CityNATIONWIDETOP STORIES Turista tigok sa water balloon activity sa Lapu-Lapu CityJuly 22, 2024 07:391290 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Isang turista ang nasawi sa isa sanang masayang water activity sa isang resort sa Lapu-Lapu City resort nitong Linggo, Hulyo 21.Isang video ang nagpakita sa 43-taong-gulang na turista na nakaupo sa dulo ng jumping balloon habang tumatalon ang staff sa kabilang dulo.Sa halip na sa tubig, tumama muna ang ulo ng turista sa jumping balloon bago bumagsak sa tubig.Nailigtas ng staff ang turista nang mapansing hindi ito gumagalaw at agad itong dinala sa ospital.Sinabi ng pulisya na ang sanhi ng pagkamatay ng turista ay spinal injury dahil sa water sports, batay sa death certificate.Sinabi ng manager ng resort na binigyan ang mga bisita ng mga tagubilin bago magpatuloy sa mga extreme water sports.Dagdag pa niya, handa silang mag-alok ng kabayaran.Wala pang impormasyon kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa resort.Ipinag-utos ng Lapu-Lapu City tourism office ang pansamantalang pagsasara ng resort para bigyang-daan ang imbestigasyon. RNT