NATUKLASAN na nagta-tryout si high-flying Fil-Am Tyrus Hill para makuha ang puwesto sa roster ng Rain or Shine ngayong Season 50 ng PBA.
Ang 29-anyos na forward ay sumama na sa ensayo ng Elasto Painters mula noong nakaraang linggo bilang paghahanda sa bagong season.
Si Hill ay inilagay ng Blackwater sa unrestricted free agent list noong huling bahagi ng Philippine Cup, dahilan upang maging malaya siyang lumipat ng koponan.
Nakikita ng marami na maaari siyang magbigay ng dagdag na lakas at atletisismo sa frontline ng Rain or Shine.
Kumpirmado ni deputy coach Caloy Garcia na sumasailalim sa tryout si Hill.
Ayon sa kanya, mahalaga ang magiging desisyon ng coaching staff lalo na’t nagbago ang line-up ng koponan matapos nilang pakawalan sina Francis Escandor at Mark Borboran. GP