Home HOME BANNER STORY Ubay, Bohol isinailalim sa state of calamity sa ASF

Ubay, Bohol isinailalim sa state of calamity sa ASF

MANILA, Philippines – Idineklara ang state of calamity sa Ubay, Bohol dahil sa mga kaso ng African swine fever (ASF) na lubhang nakaapekto sa local hog industry.

Ang deklarasyon ay inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council na pinamumunuan ni Ubay Mayor Constantino Reyes.

Sa state of calamity ay magagamit ng lokal na pamahalaan ang calamity funds para tulungan ang mga local hog raiser.

Sinabi ni Municipal Agriculturist Marianito Doydora na mayroong 127 baboy sa tatlong barangay, ang Los Angeles, San Francisco, at Bulilis ay nasawi sa ASF hanggang nitong Miyerkules.

Dahil sa outbreak ay naitala ang P100,000 pagkalugi.

Ang tatlong barangay ay mayroong 650 tirahan na nag-aalaga ng mga baboy sa kanilang bakuran.

Ani Doydora, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumama ang ASF sa Ubay.

“Having cases of ASF is dangerous, especially since this is the first-time we experienced such a problem. We need to conduct an information drive (so people will be guided on what to do).”

Nag-isyu si Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado ng dalawang executive order noong Enero 7 para labanan ang pagkalat ng ASF.

Ito ay ang Executive Order 57 o ang immediate moratorium ng “boar-for-hire activities” sa loob ng anim na buwan, at Executive Order 58, na nagbibigay-mandato sa akreditasyon ng hog traders para masiguro ang tamang monitoring at regulasyon ng hog-related activities.

“We have spent millions to save the livelihood of our farmers because it is very important for the development of our economy. We also see that the results of the initiatives that have been made are positive. Because of this, I urge everyone to take seriously the concern and the protection of our hog industry, ” aniya.

Mayroon nang siyam na barangay ang apektado ng ASF sa limang munisipalidad sa probinsya. RNT/JGC