MANILA, Philippines – Limang araw na halaga ng ulan ang ibinuhos ng isang malakas na thunderstorm sa Quezon City nitong Sabado ng hapon, ayon sa PAGASA.
Umabot sa 96.6 millimeters ang naitalang ulan sa Science Garden station mula 2 p.m. hanggang 3 p.m., na itinuturing na torrential at halos ika-limang bahagi ng karaniwang buwanang average. Sa kabuuan, 116 mm ng ulan ang bumuhos mula 2 p.m. hanggang 5 p.m.
Nagdulot ito ng pagbaha sa ilang lugar gaya ng Quezon Memorial Circle, Katipunan Avenue, Quezon Avenue, Mother Ignacia Street, at Apolonio Samson, na nagresulta sa matinding trapik.
Apektado rin ng thunderstorm ang Caloocan, Malabon, San Juan, Mandaluyong, Valenzuela, at Antipolo sa Rizal. Babala ng PAGASA, ang umiinit na klima ay nagpapalakas sa ganitong buhos ng ulan na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha sa mga urban area. Santi Celario