Home HOME BANNER STORY Ulo dinikdik ng bato, guro tigok!

Ulo dinikdik ng bato, guro tigok!

PANGASINAN – Natagpuang patay habang nakahandusay ang isang 44-anyos na guro sa Urbiztondo.

Una ay napagkamalan pa itong biktima ng isang aksidente pero natuklasan ng pulisya kalaunan na nasawi ito matapos na pagpapaluin ng bato sa ulo at mukha ng isang 18-ayos na suspek.

“Bale may kasama siya, nakaipag-inuman hanggang sa nagkaroon kami ng follow-up, na-identify naman sila at nagbigay ng kaukulang salaysay‚Ķ lumabas na ganoon ang nangyari,” ayon kay Police Major Rommel Sembrano, hepe ng Urbiztondo Police Station.

Hustisya naman ang panawagan ng mga kaanak ng guro.

“Grabe ang ginawa sa kaniya. Nabasag ang ulo, pati dito pa, nabugbog sa mukha, talagang itim ang mukha niya,” ayon sa kaanak ng biktima. Santi Celario