MANILA, Philippines – Isang lider ng notoryus na criminal group na sangkot sa drug trafficking at iba pang ilegal na aktibidad ang inaresto ng mga miyembro ng Pasay City Police Station Intelligence Section (SIS) sa Naic, Cavite noong Biyernes ng gabi, Setyembre 6.
Sinabi ni Col. Samuel Pabonita, hepe ng Pasay City police, kinilala ang suspek na si alyas “Gina”, lider ng grupong kriminal na “Angue”.
Siya ay naaresto bandang 12:30 p.m. sa Luwalhati Street, Barangay Timalan, Naic, Cavite.
Sinabi ni Paboita na nakipag-ugnayan ang mga miyembro ng SIS sa Naic Municipal police station para arestuhin ang suspek matapos matuklasan na limang taon na itong nagtatago sa Naic, Cavite.
Aniya, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Petronillo A. Sulla Jr., ng Pasay City Regional Trial Court, Branch 110, noong Pebrero 1, 2019, na walang inirekomendang piyansa.
Sinabi ng hepe ng pulisya ng lungsod na ang suspek ay nakakulong sa Pasay police custodial facility matapos itong arestuhin. RNT