Home NATIONWIDE Umeskapong inmate sa PMA stockade naaresto sa Makati

Umeskapong inmate sa PMA stockade naaresto sa Makati

98
0

MAYNILA – Muling naaresto sa Makati City ang isang inmate na nakatakas sa Philippine Military Academy (PMA) stockade sa Baguio City matapos ang manhunt na isinagawa ng militar at pulisya, iniulat ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Sabado.

Sa isang pahayag, sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na inaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines si Federico Abamonga sa kahabaan ng Dela Rosa Street corner Pasong Tamo sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City, at itinurn-over siya sa BuCor alas-7 ng gabi ng Biyernes.

Si Abamonga, 30, ng Block 10, Patola Street, Barangay Tumana sa Marikina City ay hinatulan ng 8 taon hanggang 14 na taong pagkakakulong ng Marikina Regional Trial Court Branch 273 dahil sa kasong homicide.

Nakatakas siya mula sa PMA stockade sa Fort del Pilar, Baguio City noong Hulyo 22.

Sa ilalim ng isang kasunduan sa BuCor, susubaybayan ng PMA ang seguridad at aktibidad ng mga deployed persons deprived of liberty (PDLs) at mananagot sa mga pagtakas at iba pang insidenteng makasasama sa epektibo at makataong pag-iingat at rehabilitasyon ng mga bilanggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here