MANILA, Philippines – Itinaas na sa unang alarma ang babala sa Marikina River ngayong hapon ng Lunes, Hulyo 21.
Ito ay kasabay ng patuloy na malalakas na pag-ulan dala ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa Marikina City local government unit, ang lebel ng tubig sa Marikina River ay umabot na sa 15.3 meters hanggang nitong 12:47 ng hapon.
Ang unang alarma ay inilalabas kapag ang lebel ng tubig sa ilog ay umabot na sa 15 metro, ikalawang alarma naman kapag 16 metro, at ikatlong alarma kapag ito ay umabot sa 18 metro. RNT/JGC