Home NATIONWIDE Unang menthol e-cigarettes oks sa FDA

Unang menthol e-cigarettes oks sa FDA

MANILA, Philipines- Pinahintulutan ng Food and Drug Administration noong Biyernes  ang unang menthol-flavored na electronic cigarette para sa mga adult smokers, kung saan kinilala na maaaring mabawasan ng vaping flavor ang mga pinsala ng tradisyunal na paninigarilyo.

Sinabi ng FDA na pinahintulutan nito ang apat na menthol e-cigarettes mula sa Njoy, ang vaping brand kamakailan na nakuha ng tobacco giant na Altria, na nagbebenta din ng Marlboro cigarettes.

Ang desisyon ay nagbibigay ng bagong kredibilidad sa matagal nang pag-aangkin ng mga kompanya ng vaping na ang kanilang mga produkto ay makatutulong na mapawi ang dami ng paninigarilyo, na sinisisi sa 480,000 U.S. deaths taon-taon dahil sa cancer, sakit sa baga at sakit sa puso.

Naibebenta ang mga e-cigarette sa U.S. mula noong 2007 ngunit sa mga nakalipas na taon ang  potensyal na benepisyo ng mga ito para sa mga naninigarilyo ay natabunan ng paggamit ng mga kabataan.

Agad na pinuna ng mga magulang at anti-tobacco groups ang desisyon, na kasunod ng mga taon ng pagsusumikap sa adbokasiya na panatilihin ang menthol at iba pang lasa na maaaring manghikayat sa mga kabataan sa merkado.

Lahat ng e-cigarettes na pinahintulutan ng FDA ay tabako, na hindi malawak na ginagamit ng mga kabataang gumagamit ng vape.

Dalawa sa  Njoy menthol varieties ay cartridges na ikinakabit sa reusable device. Ang dalawang Njoy menthol products ay disposable e-cigarettes.

Karamihan sa mga kabataan na nag-vape ay gumagamit ng mga disposable na e-cigarette, kabilang ang mga brand tulad ng Elf Bar, na may mga lasa gaya ng watermelon at blueberry ice.

Ang datos ng Altria ay nagpakita na ang Njoy e-cigarettes ay nakatulong sa mga naninigarilyo na mabawasan ang kanilang pagkakalantad sa mga nakapipinsalang kemikal sa tradisyunal na sigarilyo, sinabi ng FDA.

Binigyang-diin ng ahensya na ang mga produkto ay hindi ligtas o “inaprubahan ng FDA,” at ang mga taong hindi naninigarilyo ay hindi dapat gumamit ng mga ito.

Ang FDA ay humarap sa isang self-imposed court deadline sa katapusan ng buwang ito upang tapusin ang mga taon nitong pagsusuri sa mga pangunahing brand ng vaping, kabilang ang Juul at Vuse. Jocelyn Tabangcura-Domenden