MANILA, Philippines – Isang nagtapos mula sa University of the Philippines Diliman ang nanguna sa Abril 2026 Registered Electrical Engineers Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission.
Ayon sa PRC, si John Veluz Labrador ang may pinakamataas na marka na 94.25%. Sa kabuuan, 3,769 sa 6,556 ang pumasa sa eksaminasyong isinagawa ng Board of Electrical Engineering sa iba’t ibang testing centers sa bansa.
Sa mga paaralang may hindi bababa sa 30 examinees, nanguna ang University of the Philippines Los Baños kung saan 53 sa 54 examinees ang pumasa. Sa mga paaralang may 20 hanggang 29 examinees, nanguna ang Technological University of the Philippines Manila na may 20 sa 21 passing rate.
Samantala, 493 sa 882 ang pumasa sa Registered Master Electricians Licensure Examination. Nanguna rito si Adrian Buenaobra Baconawa ng Southern Luzon State University na may iskor na 89.00%.
Bukod dito, 75 naman ang pumasa sa technical evaluation para sa upgrading bilang professional electrical engineers na isinagawa sa Doha, Dubai, at Metro Manila. Santi Celario