Home NATIONWIDE UPDATE: Patay sa gumuhong gusali sa Pampanga, 22 na

UPDATE: Patay sa gumuhong gusali sa Pampanga, 22 na

59
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga nasawi sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga, ayon sa Bureau Fire Protection (BFP) Central Luzon nitong Miyerkules, Hunyo 3.

Sa update, sinabi ng BFP Central Luzon na may narekober na isa pang bangkay mula sa guho bandang 7:21 ng umaga.

“Victim #22, who was initially located at 0404H in Quadrant 2, was successfully extricated by responders following sustained search, rescue, and retrieval operations,” ayon sa BFP Central Luzon.

Dahil dito ay nasa 22 na ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi habang 27 indibidwal naman ang nasagip. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here