Home NATIONWIDE US, Japan, at iba pa nagpadala ng tulong sa mga hagip ni...

US, Japan, at iba pa nagpadala ng tulong sa mga hagip ni Uwan- — Malakanyang

337
0

MANILA, Philippines – Nagsimula nang makatanggap ang Pilipinas ng alok na humanitarian at disaster relief aid mula sa ilang bansa matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Uwan.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang mga kaanib na bansa ng Pilipinas gaya ng Estados Unidos, Japan, at India ay nagpahayag na ng kanilang intensyon na magpaabot ng tulong.

“Southeast Asian countries like Singapore and Timor-Leste have also reached out to the government,” ang sinabi pa ni Castro.

“Nagpadala na din po sila ng sulat sa AFP at National Defense to coordinate assistance,” aniya pa rin.

Ipinaabot ang alok na tulong habang ipinag-utos naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang round-the-clock relief at rehabilitation efforts para sa mga lugar na hinagupit ni Uwan, dahilan para ma-displaced ang libo-libong katao sa Luzon.

WInika pa ni Castro na nagtatag ang gobyerno ng coordination channels sa mga foreign partners, kabilang na sa pamamagitan ng defense at humanitarian agreements, upang tumulong sa pagtiyak ng mas mabilis na deployment ng tulong.

Aniya pa, nagpapatuloy naman ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na gampanan ang logistical role sa domestic disaster response, nagsilbi bilang hubs para sa relief goods, medical missions, at repacking operations.

“Ang EDCA sites ay malaking tulong po kapag may mga sakuna. Ito ay nagsisilbing hubs para sa mas mabibilis na pagtulong sa ating mga kababayan,” aniya pa rin.
— Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here