MANILA, Philippines – Nagpadala ang pamahalaan ng Estados Unidos ng mahigit 137,000 food packs at 500 emergency shelter kits para sa mga biktima ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental, ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson nitong Sabado.
Sa isang post sa X, sinabi ni Carlson na ang tulong ay bahagi ng “#EDCAinAction” sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement at isinasagawa kasama ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“My heart goes out to all those affected by the Mindanao earthquake and recent natural disasters,” ayon sa embahador.
Nagpahayag din ng pakikiisa ang Japan, Australia, China, at European Union. Ayon sa Japanese Embassy, magpapadala rin sila ng mga tent, kumot, plastic sheets, at portable water purifiers sa mga nasalantang Pilipino sa pamamagitan ng JICA. RNT