Home NATIONWIDE US-PH deals, inilatag matapos ng pagbisita ni Trump

US-PH deals, inilatag matapos ng pagbisita ni Trump

1
0

MANILA, Philippines – Inilabas ng White House nitong Huwebes, Nobyembre 19, ang ilang malalaking kasunduang naabot ng Pilipinas at United States kasunod ng state visit at bilateral meeting nina US President Donald Trump at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Maynila nitong Miyerkules.

Kabilang dito ang $12-billion deal ng Boeing at GE Aerospace sa Philippine Airlines para sa pagbili ng hanggang 20 Boeing 787 aircraft na gagamit ng GE Aerospace engines.

Naglaan din ang US ng mahigit $2-billion Foreign Military Financing loan package para mapalakas ang depensa at seguridad ng Pilipinas. Mula rito, $400 million ang ilalaan upang palawakin ang operational reach at deterrence capabilities ng Armed Forces of the Philippines sa West Philippine Sea at South China Sea.

Inanunsyo rin ng Department of National Defense ang $37-million contract para sa AI-enabled mission support at pagpapalawak ng kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.

Kabilang pa sa mga kasunduan ang pagtalakay sa intergovernmental agreement para sa civil nuclear technology, na magbubukas ng oportunidad para sa mga nuclear company ng US at makatutulong sa paglikha ng mas malaking suplay ng enerhiya sa Pilipinas.

Nag-alok naman ang US-based Astranis ng connectivity services gamit ang AGILA satellite na gawa sa Amerika, sa isang komersiyal na oportunidad na nagkakahalaga ng hanggang $200 million para sa ligtas at independiyenteng komunikasyon sa bansa.

Samantala, magtatayo ang Subic Grain ng bagong $40-million fuel storage depot sa Subic Bay upang suportahan ang operasyon ng militar at komersiyal na aktibidad ng US.

Ayon sa White House, nangako rin ang dalawang lider na palakasin ang kalakalan ng US at Pilipinas sa sektor ng enerhiya at agrikultura.

Nauna nang inilarawan ni Trump ang kasunduan bilang “the biggest trade deal we’ve ever made by far, and a fair deal for both countries.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here