Home NATIONWIDE US tutulong sa Thailand-Cambodia talks – Rubio

US tutulong sa Thailand-Cambodia talks – Rubio

183
0

MALAYSIA – Sinabi ni US Secretary of State Marco Rubio na ang State Department officials na ngayon ay nasa Malaysia ay tutulong sa peace efforts kasabay ng nakatakdang pag-uusap sa pagitan ng Cambodia at Thailand.

“We want this conflict to end as soon as possible,” ani Rubio.

“State Department officials are on the ground in Malaysia to assist these peace efforts.”

Ngayong Lunes, Hulyo 28 ay nakatakda ang mediation talks ng mga lider ng Thailand at Cambodia sa Malaysia kaugnay sa tensyon sa kanilang border.

Sa huling ulat, lampas 30 na ang nasawi, kabilang ang 13 sibilyan sa Thailand at walo sa Cambodia sa nagpapatuloy na sagupaan sa border areas ng dalawang bansa.

Mahigit 200,000 katao naman ang inilikas mula sa mga border area ng dalawang bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here