Home NATIONWIDE ‘Uson,’ rockfall naitala sa Bulkang Mayon

‘Uson,’ rockfall naitala sa Bulkang Mayon

228
0

MANILA, Philippines – Naitala ang incandescent pyroclastic density currents (PDC) o “uson” at rockfall sa Bulkang Mayon nitong Lunes ng gabi, Enero 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang uson at rockfall ay patuloy na dumadaloy sa Miisi, Bonga, at Basud Gullies ng Mayon.

“Thin to traces of ashfall have been reported in Legazpi City and Daraga,” sinabi pa ng PHIVOLCS.

Nananatili ang Alert Level 3 na babala sa bulkan at ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone.

Bago nito ay nakapagtala ang Bulkang Mayon ng 19 volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 na oras.

Kabuuang 297 rockfalls at 57 pyroclastic density currents (PDCs) ang naitala rin mula alas-12 ng madaling araw ng Linggo hanggang alas-12 ng madaling araw ng Lunes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here