Home NATIONWIDE Utang ng Pilipino umabot na sa ₱16.75-T

Utang ng Pilipino umabot na sa ₱16.75-T

530
0

MANILA, Philippines – Umabot sa bagong rekord na ₱16.75 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Abril 2025, ayon sa Bureau of the Treasury. Tumaas ito ng 0.41% mula Marso dahil sa patuloy na pangungutang para sa budget deficit, kabilang ang ₱300 bilyong kita mula sa benchmark bonds.

Tumaas sa ₱11.59 trilyon ang domestic debt, habang bumaba naman sa ₱5.16 trilyon ang external debt dahil sa pagtaas ng halaga ng piso at net repayments. Ayon sa Treasury, 69.2% ng kabuuang utang ay domestic, at karamihan ay may fixed interest rates at pangmatagalang bayaran, kaya’t hindi agad naaapektuhan ng pagbabago sa merkado.

Tiniyak ng gobyerno na nananatiling maingat ang estratehiya sa pangungutang at target nitong pababain ang debt-to-GDP ratio sa ilalim ng 60% bago matapos ang termino ng Pangulo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here