MANILA, Philippines – Naaresto ng awtoridad ang kapatid ng dating presidential economic adviser na si Michael Yang sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Batay sa isang mission order, si Yang Jian Xin, kilala rin bilang Tony Yang ay dinakip ng PAOCC at ng Bureau of Immigration (BI), sa tulong ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP), dahil sa pagiging undesirable alien.
Sinabi ni BI officer-in-charge Commissioner Joel Anthony Viado na kapag napatunayang nagkasala, mahaharap si Yang sa deportasyon at blacklisting. Gayunpaman, ang deportasyon ay magsisimula lamang sa pagresolba ng lahat ng mga nakabinbing kaso sa Pilipinas.
Ibinunyag din ni Laguna Rep. Dan Fernandez ang pag-aresto sa pagdinig ng quadcomm inquiry ng Kamara sa umano’y ilegal na aktibidad sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO)
Sinabi ni Fernandez na inilagay si Tony Yang sa kustodiya ng BI. Sinabi niya na si Yang ay isang Chinese national na “nagpapanggap bilang isang Pilipino” at inaresto ito dahil sa “misrepresentation at undesirability.”
“Yang has allegedly falsified information on SEC certification of Phil Sanjia Corporation. He will also be charged for violation of Social Security Act and Republic Act 11223 or the Universal Healthcare ct for the non-remittance of SSS, PhilHealth and PagIbig contributions of Filipino employees of Sanjia Steel Corp,” ayon pa sa BI.
Ayon sa PAOCC, si Tony Yang ang pinuno ng magkakapatid.
“Nag-violate siya ng immigration laws dito so yun ang initial violation niya,” said PAOCC Usec. Gilbert Cruz sa isang panayam.
“Yung estilo na ginawa niya is the same style na ginawa ni dating mayor Alice Guo na ginawa ni Cassandra Ong at yung ibang Chinese na nahuli natin na nagpa late registration ano at and then nagpalit sila ng pangalan,” dagdag pa ng opisyal. RNT