Home NATIONWIDE VCMs na gagamitin sa Eleksyon 2025 tinesting ng Comelec

VCMs na gagamitin sa Eleksyon 2025 tinesting ng Comelec

MANILA, Philippines- Sinimulan na ang unang end-to-end test para sa mga sistemang gagamitin para sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ito ay para makita kung mayroon pang dapat ayusin at tugunan upang matiyak ang mapagkakatiwalaang proseso at resulta ng halalan.

Sinabi ni Garcia na kabilang sa mga susubukan ngayong araw ang aktuwal na pagboto gamit ang vote counting machines na mula sa MIRU at ang unang online voting para sa mga nasa ibang bansa.

Bukod dito, susubukan din ang transmission ng mga boto.

Ang mga kopya ay matatanggap ng mga partner organization ng komisyon tulad ng PPCRV at Namfrel gayundin ng mga dominant majority at minority parties.

Nilinaw naman ni Garcia na internal sa Comelec ang pagsasagawa ng end-to-end test.

Gayunman, ginagawa aniya nila ito bilang bahagi ng pangako na gawing transparent ang mga aktibidad ng Comelec at resulta ng mga pagsusuri sa mga prosesong gagamitin sa eleksyon sa Mayo. Jocelyn Tabangcura-Domenden