Home NATIONWIDE Veloso pagtuturuin sa PDLs maghabi ng Batik

Veloso pagtuturuin sa PDLs maghabi ng Batik

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na kukuhanin nila si Mary Jane Veloso para tuturuan ang mga kapwa persons deprived of liberty (PDLs) ng paghahabi ng Batik, isang kasanayan na natutunan niya habang nakakulong sa Indonesia.

Bumalik si Veloso sa Pilipinas noong Disyembre matapos ang 14 na taon ng pagkakakulong sa ibang bansa.

Ayon sa kasunduan ng mga gobyerno ng Indonesia at Pilipinas, ipagpapatuloy ni Veloso ang kanyang sentensya sa bansa at kasalukuyang nasa Correctional Institution for Women (CIW).

Ayon kay BuCor Director Gregorio Pio Catapang Jr., ang hakbang na ito ay bahagi ng plano na mapalakas ang mga programa sa trabaho at kabuhayan para sa mga babaeng bilanggo.

Kasama ng paghahabi ng Batik, kabilang din sa mga programa sa CIW ang paggawa ng mga alahas, paggawa ng papel, pagluluto, pagpipinta, at pagsasanay sa pag-assemble ng solar panel.

Ang Department of Justice, BuCor, at CIW ay nagsanib-puwersa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) kasama ang SPARK Philippines upang mapabuti ang sistema ng mga kulungan at bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihang PDLs.

Sa ilalim ng MOU, nakatuon ang gobyerno sa Project ARTE na layuning mapabuti ang buhay ng mga PDLs sa pamamagitan ng pagsasanay sa teknolohiya at mga programang pangkabuhayan. Ang BuCor ay mangunguna sa pagpili ng mga kwalipikadong PDLs upang makinabang mula sa proyekto. RNT