Home ENTERTAINMENT Vet clinic, may libreng kapon sa pusang ‘Maris’ at ‘Anthony’ ang pangalan!

Vet clinic, may libreng kapon sa pusang ‘Maris’ at ‘Anthony’ ang pangalan!

195
0

Manila, Philippines- Maaari rin palang gawing katatawanan ang pagtataksil ng kasintahan.

Pati ang isang veterinary clinic sa Quezon City ay sumakay na rin sa isyung kinasasangkutan nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Christmas cheer ang nais ikalat ng Doc Gab–Veterinary Facebook page sa mga cat owners: libreng kapon!

‘Yun nga lang, pili lamang ang mga pusang gustong ipakapon ng mga may-ari nito.

Malinaw kasing may “note” para sa mga gustong mag-avail sa free spaying/neutering.

Kailangang magdala ng pruweba ang mga cat owners na matagal na nilang pinangalanang “Maris” at “Anthony” ang kanilang mga alaga.

Dahil nga sa anunsyong ito’y umani ito ng maraming laughter, likes at shares mula sa mga netizens.

Obyus na may pinanggagalingan ang “promo offer” na ito.

Lumabas kasi ang naturang announcement sa FB makaraang maglabas ng resibo o ebidensya si Jam Villanueva tungkol sa kanyang dating nobyong si Anthony Jennings at Maris Racal.

Si Maris ay ang dating nobya ni Rico Blanco.

Pinapalagay na noong time nila’y nagtaksil umano si Maris.

Humahanga naman ang mga netizens kay Rico dahil sa kabila ng umano’y pagtataksil sa kanya, ni minsan ay hindi niya siniraan si Maris. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here