MANILA, Philippines- Lumahok bilang independent candidate sa pagka-senador si Atty. Victor Rodriquez na nagsabing pamumunuan ang tunay na oposisyon.
Sa huling araw ng pagsusumite ng kandidatura, naghain si Rodriquez ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador sa Manila Hotel Tent City ngayong hapon ng Martes.
Isa sa mga dahilan ng paglahok sa pambansa at lokal na halalan sa 2025 ni Rodriquez ay dahil umano sa talamak na korapsyon sa bansa.
“Gaya po ninyo, hindi ko rin matanggap na magpatuloy ang ganitong uri ng baluktot na pamunuan.”
Aniya, tumugon siya at nakinig sa pakiusap ng overseas Filipino workers at sa hamon na maayos na pamunuan ang tunay na oposisyon.
“Ako ay naghain ng certificate of candidacy bilang independent candidate sa pagka-senador bilang sagisag ng pagkilala at pagsagisag na mga Pilipino ay ang Republika ng Pilipinas at ang ating kaalyado ay kayong mga Pilipino,” wika niya.
Ayon pa kay Rodriquez, ipagpapatuloy niya ang mga hakbang ng maisog na nanawagan ng transparency, accountability, peace, security at good governance.
Bagama’t aminado si Rodriquez na mabigat ang kanyang tatahaking landas ngunit panatag aniya ang kanyang kalooban na mas higit na nakararaming Pilipino ang kanyang kasama.
Si Rodriquez ay inendorso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi sa ilalim ng PDP-Laban. Jocelyn Tabangcura-Domenden