Home ENTERTAINMENT Vice, di bet pasukin ang pulitika, nagpaliwanag!

Vice, di bet pasukin ang pulitika, nagpaliwanag!

226
0

Manila, Philippines – Naniniwala si Vice Ganda na hindi siya puwedeng magsilbi sa dalawang amo.

It’s either na paboran o piliin niya ang isa at i-reject naman niya ang ikalawa.

Hirit pa niya, ayaw din niyang mahati ang kanyang loyalty pagdating sa trabaho.

Ito rin ang dahilan kaya di niya bet na pasukin ang pulitika kahit pa sabihing may plataporma siya.

Kung ang ibang artista ay kayang pagsabayin ang showbiz at pulitika, iba naman ang paninindigan niya.

Ito naman ang naging tugon niya kung ikukunsidira niya ang pagtakbo sa Senado sa isang panayam.

“Hindi siya bukal sa kalooban ko. Hindi siya ang gusto ng puso ko, hindi siya ang gusto kong gawin. Gusto kong magpatawa.

“Kung pipiliin ko yung public service, kailangan kong i-devote yung buong buhay ko sa public service,” aniya.

“Hindi pwedeng gusto mo mag-public servant ka pero gusto mo businessman ka din. Pag sinabi kong magpa-public service na ‘ko, kailangan talikuran ko ang paggawa sa pelikula. Uunahin mo ang bansa mo at ang nasasakupan mo bago pa ang pamilya at pangangailangan ng pamilya mo ‘pag public servant ka,” dugtong niya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here