Home ENTERTAINMENT Vice Ganda at Direk Jun Lana, may reunion sa MMFF 2025!

Vice Ganda at Direk Jun Lana, may reunion sa MMFF 2025!

355
0

Manila, Philippines – Binunyag na ni Vice Ganda ang pagsasama muli nila ng direktor na si Jun Lana sa isang movie project.

Si Direk Jun ang nag-direk ng last movie ni Vice na ipinalabas sa nakaraang Metro Manila Film Festival, ang “And The Breadwinner Is.”

Ang “And The Breadwinner Is” ay kasalukuyang nasa top ten list most viewed ng mga pelikula sa Netflix.

Dahil d’yan, nag-trending ang “And The Breadwinner Is” sa social media.kung saan pinuri-puri ng netizens ang pelikula.

Post ng netizen sa X (dating Twitter), “Vice Ganda’s ‘And the Breadwinner is’ is a masterpiece, sobrang ganda, ang heart-warming ng movie. It feels home, sana makagawa pa si meme ng maraming pelikula tulad nito.”

Nirepost ito ni Vice sa X at naglagay ng caption ang “It’s Showtime” host, “Makakaasa ka po. Another Vice Ganda x Jun Lana movie is on it’s way.”

Hindi lang malinaw kung ipapasok sa darating na MMFF ang movie tandem muli nina Vice at Direk Jun. Pero malamang ay may entry ulit si Vice sa December filmfest. Julie Bonifacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here