Home ENTERTAINMENT Vice, inireklamo sa MTRCB!

Vice, inireklamo sa MTRCB!

1
0

Manila, Philippines – Sa isang portal, ibinahagi ng isang netizen na nag-file siya ng reklamo sa MTRCB kaugnay ng isyu ng diumano’y pagbalahura o racist comments ni Vice Ganda kay Johaira ng Baby Dolls sa isang segment ng noontime show.

Noong Sabado lang ay humingi naman ng public apology si Meme bago magtapos ang show kaugnay ng umano’y offensive at insensitive jokes nito sa skit ng nasabing segment.

Sey pa niya, bilang noontime show, wala silang intensyon na magdulot ng anumang disgusto sa kanilang mga manonood bagkus, nilalayon lamang nilang pasayahin ang mga manonood.

Napag-usapan naman ang isyung ito sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

Hirit nila, posible raw na ma-suspend muli ang show gaya nang nangyari noong 2023.

Matatandaang pinatawan noon ng 12 day suspension ng MTRCB ang nabanggit na show dahil sa cake icing incident ni Vice at partner nitong si Ion Perez sa “Isip Bata” portion ng show.

Ito naman ang ilang hirit ng kibitzers sa naturang usapin.

“Maulit kaya ang suspension ng Showtime?”

“Parang hindi na nadala si Meme.”

“I think, he might be reprimanded again.”

“Grabe iyong pagbuga niya ng tubig kay Johaira.”

“Hindi nakakatawa iyong racist remarks niya.”

“That’s tantamount to bullying on national TV.”

“Nanganganib si Meme at ang Showtime.”

“VG and the show should be aware of their public accountability lalo na sa free TV.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here