Home METRO Vice Mayor utas sa kaalyadong konsehal sa Aklan

Vice Mayor utas sa kaalyadong konsehal sa Aklan

284
0

AKLAN, Philippines – “Vice, ano ang kasalanan ko sayo?” Ito ang namutawi sa bibig ng isang konsehal pagpasok nito sa loob ng Sangguniang Bayan Session Hall saka pinagbabaril ang vice-mayor sa kanyang opisina, kahapon ng umaga sa bayan ng Ibajay.

Hindi na umabot pang buhay ng dalhin sa Ibajay District hospital ang biktimang si Vice Mayor Julio Estolloso habang kasalukuyan naman nakakulong sa lock-up cell ng Ibajay Municipal Police Station ang suspek na si SB member Mihrel Senatin.

Batay sa report ng Ibajay-PNP, bandang 9:00 AM ng BIyernes Agosto 8, 2025 naganap ang krimen sa nasabing lugar.

Ayon kay PMaj. Rajiv Salbino, hepe ng Ibajay MPS, nagtungo ang suspek sa opisina para humingi ng kopya ng kaniyang mga ipinasang ordinansa, ngunit kalaunan ay nagtanong ito sa bise alkalde na, “Vice, ano ang saea kimo (ano ang kasalanan ko sayo)?” saka binaril ito.

Nagtamo ng halos pito hanggang walong tama ng bala sa kanang dibdib si Estolloso na agad isinugod ng MDRRMO responders sa nasabing ospital, ngunit idineklara itong patay dakong alas-10:23 ng umatending doctor.

Nadakip naman si Senatin sa kaniyang bahay at narekober ang Gloc 17 pistol na ginamit sa krimen.

Isasailalim sa autopsy ang katawan ng biktima habang isasailalim sa ballistics exam ang baril at paraffin test ang suspek.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang follow-up investigation ng pulisya upang malaman ang tunay na motibo ng suspek na kilalang kaalyado ng biktima sa usaping pulitika. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here