Home ENTERTAINMENT Vice, nagka-foot injury, di makalakad!

Vice, nagka-foot injury, di makalakad!

0
Vice, nagka-foot injury, di makalakad!

Manila, Philippines- Nagkaroon ng pinsala sa paa si Vice Ganda sa It’s Showtime kamakailan.

Gayunpaman, hindi na idinetalye ng Unkaboggable Star how she sustained foot injury.

Ang tangi lang niyang post, she was unable to walk.

Worried about her condition, tinawagan daw ng kanyang partner at co-host na si lon Perez ang therapist nito na kung maaari’y i-check ang tinamong pinsala ng karelasyon.

Makikita sa ibinahaging larawan sa social media na nasa tabi si lon habang pinapalitan ang benda ng sugat sa paa ni Vice Ganda.

Nagpapasalamat naman ang mga fans ng TV host-comedienne na ganoon lang ang tinamo nito.

Bibihirang magkaroon ng pisikal na problema si Vice Ganda maliban noong mga panahong kinailangan niyang i-confine sa ospital.

Malaking advantage din na ang nakatatandang sister ni Vice Ganda ay isang doktora.

Pinayuhang mag-bed rest muna ito para sa lubusang ikagagaling ng kanyang foot injury. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here