Manila, Philippines- Viral ang isang segment ng “It’s Showtime” kung saan tinanong ni Vice Ganda ang isang contestant.
Pagbasa niya ng cue cards ay kunwaring nawindang siya.
Aniya: “Aayy! Jusko, very current. Very ano ito, very controversial na issue. Lately, I have been reading about this issue.”
Gayunpaman, nagpatuloy siya sa kanyang hirit.
Tanong niya: “Ano ang gagawin mo kung nagpa-matching tattoo ang boyfriend mo at yung girl best friend niya? Yung boyfriend mo may girl best friend, tapos nagulat ka na lang, gumising ka isang araw eh nagpa-matching tattoo sila.”
Umani naman ng tawanan sa audience ang kanyang pang-uurot.
Almost half a million views din ang nahamig ng nasabing video.
Samu’t-saring reaksyon din ang nakuha ng kanyang pakuwela sa netizens.
Sey pa ng karamihan, nilaro raw ni Vice sina Andi Eigenman at Philmar Alipayo issue pati na ang rumored third party sa kanilang relasyon.
Matatandaang naging mainit na topic ang matching tattoos dahil sa ginawang pagpapa-tattoo nina Philmar at ng best friend nitong afam na pinagselosan ni Andi.
Naging viral din ang emote ni Andi sa IG na: “She didn’t honor my side by choosing to celebrate her and my husband’s love for each other because the day after our fight, she inserted herself in the situation by encouraging him to go for a spontaneous love couple tattoo together.” Archie Liao