Home ENTERTAINMENT Vice, saludo kay Donny!

Vice, saludo kay Donny!

267
0

Manila, Philippines – Hindi na kami nagtataka kung bakit super blessed si Donny Pangilinan. Marunong kasi itong mag-share ng blessings na natatanggap niya.

Ayon kay Vice Ganda, nu’ng napanood daw ni Donny ang isang segment ng noontime show nila sa It’s Showtime na Laro Laro Pick, na ang mga contestants ay mga kariton vendors, ay naawa raw ang aktor sa istorya ng mga ito.

Sabi raw ni Donny kay Vice, “Naantig naman ang puso ko sa mga istorya ng mga kariton vendor na contestant ninyo.

“May paraan ba para ma -contact mo sila at makapagbigay ako ng tulong,sa kanila?”

At yun nga, nagpadala raw ng P300K na cash si Donny Kay Vice para ipamigay sa cariton vendors.

Ipinatawag nga nila ang mga ito at nakatanggap ang 20 contestants ng tig P15k bawat isa na ikinatuwa naman ng mga kariton vendors.

Siyempre nagpatama na naman si Vice sa mga korap na politician na ito lang daw ang tamang paraan nilang artista para matulungan ang mga kababayan nating biktima ng korapyon.

Bumilib naman si Vice sa generosity ni Donny. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here