Home NATIONWIDE Vico Sotto, Sandro Marcos maaaring makinabang sa lower age requirement sa pagka-Presidente,...

Vico Sotto, Sandro Marcos maaaring makinabang sa lower age requirement sa pagka-Presidente, Bise Presidente, Senador

384
0

MANILA, Philippines – Tinukoy ni House Deputy Speaker Rep. Paolo Ortega na maraming makikinabang sa panukalang babaan ang age requirement sa mga kandidatong tatakbo sa Pangkapangulo, Pangalawang Pangulo at Senador kabilang na dito sina Pasig City Mayor Vico Sotto and Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos.

Ayon kay Ortega maraming “promising leaders” ang kuwalipikado sa nasabing mga posisyon subalit malilimitahan dahil sa kanilang edad.

Sa ilalim ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 na inihain sa Kamara ay isinusulong ang constitutional convention (con-con) para baguhin ang age requirement, sa ilalim ng panukala ay gagawing 35 ang edad na maaaring tumakbo sa Pangulo at Pangalawang Pangulo mula sa dating 40 anyos.

Sa senador ay gagawin namang 30 mula sa dating 35 anyos.

Sa kasalukuyan si Sotto ay 36 anyos habang si Marcos ay 31.

Si Sotto ay nasa kanya nang ikatlo at huling termino bilang alkalde sa Pasig City.

Nilinaw naman ni Ortega na wala syang inirerekomenda na pulitiko kaya isinusulong niya ang pagbaba ng age requirement, aniya, ang kanyang layunin ay magkaroon ng bagong mukha ang pulitika kung saan maraming magagaling na mga bata pa.

“At the end of the day we’re not looking at the personalities eh we’re looking at the institution to create a more vibrant atmosphere, vibrant brand of public servants,” pagtatapos pa nito. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here