MANILA, Philippines – Ang security guard na sumipa at sinira ang paninda ng batang sampaguita vendor ay maaaring makasuhan ng child abuse, depende sa kanyag intensyon, ayon kay Supreme Court Associate Justice Jhosep Ylarder Lopez.
Paliwanag ni Lopez, maaaring maituring na child abuse ang insidente kung ang layunin ng guwardiya ay pahiyain, sirain ang dignidad, o moral ng bata. Kung wala naman ang ganoong intensyon, maaaring hindi ito magturing na child abuse.
“Kung wala naman siyang intensyon na ganoon, ang layunin niya lang ay sabihin sa bata na ‘umalis ka na d’yan, hindi kayo puwede d’yan,’ o kung lalaban ang bata at iniiwasan niya lang na magka-gulo, baka hindi ito magturing na child abuse,” paglilinaw ni Lopez sa isang radio interview.
Nangyari ang insidente sa harap ng SM Megamall, kung saan pinilit alisin ng guwardiya ang batang babae at sinira ang kanyang paninda. Pinapurihan ng mall ang hindi katanggap-tanggap na kilos ng guwardiya at kinumpirmang tinanggal siya mula sa posisyon.
Ang Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies ay nagsasagawa ng imbestigasyon. RNT