Home TOP STORIES Visa fee sa Japan tataas nang limang beses

Visa fee sa Japan tataas nang limang beses

1
0

TOKYO, Japan – Tataas nang limang beses ang visa fees para sa mga dayuhang gustong bumiyahe sa Japan simula Hulyo 1, ayon sa pamahalaan ng Japan.

Mula 3,000 yen (humigit-kumulang P1,170), magiging 15,000 yen (P5,850) na ang bayad para sa single-entry visa. Ang multiple-entry visa naman ay tataas mula 6,000 yen (P2,340) hanggang 30,000 yen (P11,700).

Inanunsyo ni Japanese Foreign Minister Motegi Toshimitsu ang pagbabago matapos aprubahan ang mga amyenda sa ordinansa tungkol sa visa fees. Ang bagong singil ay ipatutupad sa mga aplikasyon na isusumite simula Hulyo 1.

Ayon sa Japan, ito ang unang malaking pagtaas ng visa fees sa loob ng halos 48 taon at layuning matugunan ang tumataas na gastusin sa pagproseso ng mga visa at immigration services.

Sa kabila nito, sinabi kamakailan ni Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya na pinag-aaralan pa rin ng Japan ang mga hakbang para mapadali ang pagpasok ng mga Pilipino, kabilang ang posibilidad ng visa-free travel.

Patuloy ring kabilang ang Japan sa mga pangunahing destinasyon ng mga turistang at manggagawang Pilipino. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here