BANGKOK, Thailand – Mula Setyembre 15, 2026, paiikliin ng Thailand mula 60 araw hanggang 30 araw ang visa-free stay ng mga turista mula sa 60 bansa, kabilang ang Pilipinas, ayon sa Tourism Authority of Thailand (TAT).
Inilathala ng Ministry of Interior ng Thailand ang bagong patakaran sa Royal Gazette noong Agosto 31.
“From 15 September 2026, travellers previously covered by the 60-day visa exemption will instead be subject to the applicable 30-day visa exemption, 15-day visa exemption, Visa on Arrival, or other relevant entry arrangements, depending on nationality,” ayon sa TAT.
Kabilang ang mga Pilipino sa mga maaaring manatili sa Thailand nang hanggang 30 araw nang walang visa.
Ipinaliwanag din ng TAT na ang mga gagamit ng 30-day visa exemption ay maaari lamang pumasok sa Thailand sa pamamagitan ng land-border immigration checkpoints nang hanggang dalawang beses bawat calendar year.
Samantala, ang Visa on Arrival ay para lamang sa mga passport holder mula Azerbaijan, Belarus, at Serbia, habang ang 15-araw na visa-free stay ay para lamang sa mga biyahero mula Seychelles at Mauritius. RNT/MDS